Sa buhay, hindi ang great love mo ang makakatuluyan mo.
Kundi ang correct love mo..
*****************************************
“Chico.”
Kung tatanungin ako ngayon ng 10 salita na may mahalagang meaning saken, ito-ito ang mga isasagot ko: kahapon. Ligo. Palengke. Green. Pinya. Plastic. Load. Araw. Bangs. Chico. ]
Dec.30 2008. mga alas nuebe ng umaga. Hindi ako naligo kahapon kaya maaga akong naligo ngayon para makapagsimula na ng trabaho. Hindi dapat ako ang sasama kay tita sa palengke dahil nakatoka ako sa paglalaba. Pero sa di malamang dahilan, nakita ko nalang ang sarili kong nagsusuot ng headband at nagboboluntaryong sumama sa palengke.
Nagsisimula palang kaming mamili ng mga lulutuin sa media noche ay tagaktak na ang pawis ko. Nakakainis. Para akong hindi naligo. Kinse minutos makalipas, puno na ang mercury drug na plastic na hawak ko. Hay. Mabigat pala. Puro karne.
Pumipili si tita ng prutas para sa traditional “12 fruits” para sa new yr nang Makita ko ‘siya’. Bangs.
Yun ang naging parang landmark ko para malamang siya yon. Ang sadyang mahaba ngunit hindi pa emo nyang bangs. Para syang Vaseline boy sa kintab at kapal ng bangs nya.
Iba talaga siguro ang nagagawa ng seminaryo sa Camarines Sur sa hitsura ng isang tao. Nakasuot sya ng green polo shirt at red basketball shorts.
Hindi pa naliligo pero stand out parin sya sa karamihan. (hindi ako bias.) mataas ang araw kaya medyo nasisilaw siya.
Haai.. Ang gwapo niya lalo pag medyo nakapikit ang mata. Slow motion pa ang effect saken habang naglalakad siya papuntang tindahan. Ayokong tawaging destiny na nakita ko sya. Kasi pag tinawag kong fate yon, ibig sabihin may nakakonektang magandang bagay don. At wala.
Gusto kong isiping wala lang yon. Para sa future nya at sa puso ko. (andrama) accident lang na nandun kami sa bilihan ng chico na dapat eh hindi pupuntahan ni tita. Accident lang na sa dinami dami ng load outlets, dun sa 3 blocks away from his house pa niya naisipang magpaload. (pano ko nalamang nagpaload sya? Simple lang, may dala syang cellphone. :p) at accident lang din na hindi naman dapat talaga ako nasa palengke on the first place. Nabitin ako sa slow-mo effect nang pagdating nya kaya after buying chico, tinuro ko kay tita yung tig 10 pisong pinya na nakita ko malapit sa pinangloloadan niya.
Natigil ako sa paghinga nang Makita ko syang maglakad pabalik. (tapos na syang magpaload.) sa likod ko pa sya nagdaan kaya super kinabahan naman ako. Alam ko unethical, pero sinundan ko talaga sya nang tingin at nailang ata sya nang mapansing may nakatingin sakanyang di kilalang nilalang. Ewan ko ba, I cant help it but be attracted to him. as if there’s an unknown force that drawns me to him. siguro kasi kamuka sya ni Sam Concepcion. Siguro sa dati kong buhay, sacristan ako kaya madalas ako ngayong magkacrush sa mga tinatawag nilang “knights of the altar.” O kaya siguro sadyang pamatay lang talaga ang bangs at ilong niya na copy-paste kay rizal kaya dead na dead din ako sakanya. 4 years and counting ko na syang crush. Pero alam kong hindi tama. (eto na ang emong part.) alam kong detrimental to sa naghihingalo kong puso na nasa ICU parin hanggang ngayon. Hindi kasi gawain ng isang average reasonable person ang magilusyon sa isang seminarista kasi its obvious naman who his first love is. Hindi ko kayang makipagcompete sa nilalang na gumawa saken, sayong nagbabasa nito, at sa lahat ng bagay na nakapaligid satin. Malamang sa hindi, ako ang lalabas na talunan.
Tuwing nasa altar sya at nagseserve, blooming sya. Ang gwapo gwapo nya. There is peacefulness in him na hindi pwedeng di mo mapansin. May shortage tayo ng mga pari sa Pinas at ayokong mangupit pa ng isa kay God. At kahit naman siguro magbago ang isip nya at magdecide na magserve kay God in a different way, eh imposibleng mareciprocate and feelings ko for him. with his looks and attitude, (nafee-feel ko, mabait sya. ) madami nang babaeng halos maghubad sa harap nya wag lang syang pumasok sa seminaryo. But obviously, hindi sya natitinag at go parin sya sa pagserve kay lord. Well, ok na siguro to. After New Year naman kasi, babalik na syang CamSur at who knows, baka hindi ko na sya Makita ulet. (sad.) I wish him luck. Pag naging pari sya, mangungumpisal ako sakanya at sasabihin ko sakanya kung pano nung teenager ako, eh patay na patay ako sakanya. Baka gawin ko din syang presiding priest sa kasal ko . (kung may mabubulag ako.) pero sa ngayon, heto muna ako, magpapasalamat sa chico at sa mainit na sinag ni haring araw dahil nakasilay na naman ako sa sakristang apat na taon ko nang crush, hindi ko parin nakikitang ngumiti. Salamat chico…
Written Dec 30, 08
(rizal`day)
Encoded jan 1 09.
6:15 pm.
Np: half crazy by south border.
**********************************************************
mamayang 7:30, magsisimba ako.
Yun na ang huling pagkakataon ko na
Makita sya dahil pasukan na ulit sa jan 5.
Pag hindi ko na siya nakita mamaya, ang pagkikita
Namin noong Rizal day ang magiging huling alaala ko sakanya.
“MAY QUOTA ANG PAGIBIG. SA BAWAT LIMANG UMIIBIG,
ISA LANG ANG MAGIGING MASAYA.
Ang iba, iibig sa di sila iniibig. O iibig nang hindi natututo.
O iibig iibig saw ala. O kaya naman ay hindi iibig kaylanman.
KASAMA KA BA SA QUOTA?”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment