Sunday, April 26, 2009

life time warranty...

may tatlo akong option na binigay kay lord isang gabi matapos kong mapag isipan ang lahat ng bagay bagay sa buhay ko:

una:
pag hindi pa rin ako nagkaroon ng boyfriend sa edad na 25, magmamadre ako. (seryoso ako.)

pangalawa:
bigyan niya lang ako ng limang taon, limang taon lang, kasama si kevin, at after that, pwede na niya akong kunin o kaya kahit anong gusto niyang ipagawa sakin, gagawin ko. basta limang taon lang sa piling niya ang hinihiling ko.

at ang pangatlo at pinaka gusto kong option sa lahat:
dahil good girl naman ako from the very start, ibalato na lang niya si kevin sakin. promise, aalagaan ko siya, ipagtatanggol, hindi iiwan, ipagluluto, ipaglalaba, kahit ako pa ang magmasahe sa nananakit niyang tuhod, gagawin ko. basta, gusto ko, bigay nalang xa sakin ni lord-walang labis, walang kulang, no return and no exchange.


siguro nga love na talaga to. ive never been so stupid in my entire life.
kahit anong klaseng logic and explaination sakin hindi parin ako sumusuko.
yun nga lang, wala din akong nginagawang paraan para matupad ang pangarap kong mapasakin si kevin the seminarian.
ang dami kong kakumpitensya. mga lector na panay ang papansin sakanya after nyang magserve, mga choir na magsisimba kahit hinmdi linggo basta makita lang sya, pati yata mga kapwa niya sakristan type xa eh..!! nakakaasar naman.
ano ba naman ako kumpara sa kanila?
maganda lang naman ako, matalino, magaling magluto at masipag. un nga lang, dahil hindi niya alam na nageexist pala ako sa mundo, hindi din niya alam ang mga good traits ko na to. hehe..


pero mahal ko sya. yun ang malinaw. siguro mahal ko na siya mula pa lang nung una ko syang makita. apat na taon nang nakakaraan, sa parehong simbahan kung saan nandon parin siya ngayon. dati, hindi siya kumakanta, hindi ngumingiti, at bilang ang mga kilos at galaw. ngayon, halos apat na taon nang nakakaraan, marunong na siyang ngumiti, kumakanta at nagreresponse na sya sa misa, at nakikitaan ko na siya ng emosyon tulad ng pagka antok, pagkainis, pagkataranta at iba pang mga emosyon na nararanasan ng mga normal na tao..

nakakainis, hanggang ngayon, wala akong ibang kayang gawin kundi ang tingnan ang fs niyang naka private naman. supladonmg gago yon. pasalamat sya, mahal ko siya..

hay..

Wednesday, April 1, 2009

numb..

alam nio b ung feeling ng wala kang ma-feel..??

oo, tama ung nabasa nio,

feeling ng wala kang mafeel..

ung tipong numb ka nah..??

ewan q kung nafeel nio n yun,

pero aq,

feel n feel q un..

mula nang bumalik "xa" mula sa bundok,

mula nang nagprusisyon xa sa gitna n nakasuot ng itim,,

parang nawala n q sa sarili..

pagkakasuno sunod ng naramdaman ko:

gulat.
saya.
lungkot.
lungkot.
lungkot.
lungkot.
lungkot.


at huli,

kahunghangan..

wala n qng nafeel after that..

naglalakad aq,,

nagluluto,

natutulog o nagbabasa ng libro,

un ang nararamdaman koh..

yung tipong parang may ibang taong nagmamanipula sa utak moh..

hindi mo alam kung pano mo nagawa un dahil kung iisipin,

hindi ka na nakapag isip, at hindi n ikaw ung taong alkala mong ikaw,

pagkatapos mong makita un..

i tried everything to convince myself its ok..

i tried to bargain with God in asking him to PLEASE, IM BEGGING YOU, LEND HIM TO ME FOR JUST FIVE YEARS..

that's all i want; a memory with him..

and after that moment to remember,

God can ressume his original plan for him and ill let him go..

just five years, lord,

five years..

five..